Binalaan ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga opisyal ng ahensya laban sa pagbibigay ng VIP treatment sa mga pasahero sa international flights sa buong bansa.
Sinabi ni Morente na dapat umiwas ang mga empleyado nila sa pag-escort sa mga paparating at papaalis na pasahero para mapadali ang proseso sa immigration counters.
Ang nasabing direktiba ay ipinalabas ni Morente matapos mabatid na isang retired policeman ang nag escort sa isang kilalang tao na dumating noong Lunes ng gabi sa NAIA Terminal 1 mula sa Bangkok, Thailand.
Nakasuot ng ID mula sa Pass Control Office ng NAIA ang nasabing escort at sinamahan ang pasahero hanggang sa immigration counter.
By Judith Estrada – Larino