Nagsuot ng kulay pulang arm band ang mga immigration officer sa lahat ng points of entry and exit ng bansa, araw ng Biyernes.
Ayon sa Immigration Officers Association of the Philippines (IOAP) at Buklod ng mga Kawani ng Commission on Immigration and Deportation (BUKLOD-CID), ito ay upang maipaalala lang sa Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang kalunos – lunos na sitwasyon.
Sinabi ng grupo sa kanilang open letter na maliban sa nananatiling mababa ang kanilang sahod, umaasa pa rin silang maipagkaloob na sa kanila ang kanilang overtime pay.
Sa kabila nito, nilinaw ng grupo na hindi sila nagpo – protesta at kanila pa rin itutuloy ang trabaho.
By Katrina Valle | With Report from Raoul Esperas