Balik-normal na ang operasyon ng mga Immigration officers sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport matapos ang umano’y isinagawa nilang protesta.
Nagkaroon ng ilang minutong problema ang mga ito na naging dahilan upang humaba ang pila ng mga pasahero sa arrival at departure area ng NAIA.
Sinasabing ipino-protesta ng mga empleyado ng Bureau of Immigration ang kanilang overtime pay at allowance na halos tatlong (3) buwan nang hindi ibinibigay sa kanila kaya’t ikinasa nila ang tigil-trabaho.
Nabatid na hindi pumasok ang ilang Immigration officers habang ang iba ay naghain ng indefinite leave of absence dahil sa nangyayaring problema sa paliparan.
Sumusuweldo lang umano ng P16,000 kada buwan ang ilang Immigration officers sa NAIA kung saan hindi pa kasama rito ang tax kaya’t P14,000 na lamang ang kanilang take-home pay.
By Jelbert Perdez