Nanganganib na maapektuhan ang turismo sa bansa kung tatanggalin ang VUA o Visa Upon Arrival.
Sinasabing ang VUA ang dahilan ng pagdagsa sa bansa ng mga Chinese nationals.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ipinatupad ang VUA upang makahikayat ng mga turista sa bansa.
Gayunman, bukas anya ito sa pang aabuso dahil maaaring i-convert ang VUA sa special work permit visa.
Sinabi ni Guevarra na sa ngayon ay pinag aaralan na ng Bureau of Immgiration kung dapat nang tanggalin o amyendahan lamang ang VUA.