Nagbabala ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) sa publiko laban sa mga manloloko na nag-aalok ng serbisyo sa mga dayuhan.
Ayon kay BI commissioner Norman Tansingco, na naglabas sila ng babala sa mga dayuhang mamamayan na huwag mag-avail ng mga ilegal na inaalok na papeles.
Dahilan ito sa pagkakaaresto ng dalawang dayuhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos nagpakita ng pekeng exit clearance na inisyu umano ni Tansingco.
Ngunit mismong si Tansingco na ang nagsabing walang siyang inisyu sa dayuhan.
Payo ng komisyoner sa mga dayuhan, pumunta na lamang sa mga opisina ng BI upang maiwasan ang pamemeke ng mga papeles. —sa panulat ni Jenn Patrolla