Tiniyak ng Bureau of Immigration and Deportation na magiging mahigpit sila sa pagbabantay sa mga paliparan at pantalan sa bansa.
Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ng Department Of Justice na tiyaking mamo-monitor ang posibleng paglabas ng bansa ng mga tinaguriang “Narco Generals”.
Sinabi ni atty. Maria Antonette Mangrobang, tagapagsalita ng BID na matapos na maisapinal ang Lookout Bulletin Order, otomatikong pasok na ito sa kanilang computer system at naiparating na sa BID personnel na nakatalaga sa mga paliparan at pantalan sa bansa.
Bukod aniya sa impormasyon ay kanilang isinama ang mga larawan sa pasaporte ng Limang kasama sa Lookout Bulletin na sina Ret. Deputy Director General Marcelo Garbo, Ret. Chief Superintendent at ngayo’y daanbantayan Cebu Mayor Vicente Loot, at mga aktibong opisyal na sina Police Director Joel Pagdilao, at Chief Superintendents Edgardo Tinio at Bernardo Diaz.
Ipinabatid ni mangrobang na sa ngayon ay wala naman silang impormasyon na may nagtangka na sinuman sa Lima na lumabas ng bansa.
By: Meann Tanbio