Inaasahang magkakasa ng massive immunization campaign o catch up immunization ang pamahalaan para sa mga batang hindi nakapagbakuna bunsod ng nagpapatuloy na pandemya.
Ayon kay Philippine Medical Association president Dr. Benny Atienza, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Health para sa aktibidad na Chikiting Ligtas’ para tiyaking ligtas ang mga bata mula sa iba’t ibang sakit gaya ng polio at measles.
Aniya, aarangkada ang malawakang pagbabakuna sa darating na Mayo a-trenta hanggang Hunyo a-diyes.
Paliwanag nito, nabatid kasing lima sa sampung bata ang hindi nabakunahan pandemya.
Dahil dito, hinihikayat ng PMA ang lahat ng magulang na mag-antabay sa schedule ng pagtuturok ng mga bakuna sa mga health centers, klinika at mga ospital sa bansa.