Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga local government units (LGUs) na palawakin pa ang sakop ng kani-kanilang immunization program para makaiwas aniya sa posibleng outbreak ng iba’t-ibang sakit lalo na kung kaya namang maiwasan sa pagbabakuna.
Ito ang naging tugon ni Gatchalian makaraang tumaas ng 50% ang bilang ng mga nasawi sa buong mundo dahil sa tigdas mula 2016 hanggang nakaraang taon.
Sa ulat kasi ng UNICEF noong Abril, lumalabas na dalawang batang Pinoy ang nanganganib na hindi maturukan ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ani Gatchalian, bumaba kasi ang immunization coverage sa bansa sa 68% noong nakaraang taon mula sa 87% noong taong 2014.
Sa huli, nanawagan si Gatchalian sa mga magulang na samantalahin ang libreng bakuna para makatiyak sa kaligtasan ng kani-kanilang mga anak.