Dapat pa ring magsuot ng face mask ang mga immunocompromised individual sakaling hindi na ito i-require sa huling kwarter ng taon.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, pinuno ng adult infectious diseases and tropical medicine unit sa san lazaro hospital, dapat na tiyakin ng pamahalaan na may sapat na “population immunity” laban sa COVID-19, bago alisin ang mandatoryong pagsusuot ng face mask.
Maliban dito, dapat din aniyang walang bagong SARS-COV-2 variant of concern.
Sinabi pa ni Solante na maaaring ilagay ang bansa sa mas mababang alert level o tanggalin na ito kapag naging stable na ang mga kaso ng virus at wala ng community transmission.