Tinatayang nasa isang libong immunocompromised individuals pa lamang ang nabigyan ng ikalawang booster shot.
Paliwanag ni National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa, karamihan sa immunocompromised individuals ay Enero o Pebrero lamang nakatanggap ng booster doses, kaya’t hindi pa umaabot sa apat na buwan ang pagitan mula ng maturukan sila ng unang booster shot.
Umaasa naman si Herbosa na bago matapos ang linggong ito ay madaragdagan pa ang mabibigyan ng fourth dose.
Pinag-aaralan na rin aniya ng Health Technology Assessment Council (HTAC) kung papayagan nang maturukan ng second booster ang mga healthcare workers at senior citizens. - sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)