Itinanggi ng Impeach Leni Team na pinopondohan sila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isinagawang presscon kahapon, agad na sinopla ni Atty. Bruce Rivera, miyembro ng Impeach Leni Team ang DWIZ reporter na si Jill Resontoc nang tanungin nito kung sino ang nasa likod ng kanilang grupo.
Iginiit ni Rivera na sila ay mga supporter ng Pangulong Duterte ngunit hindi ibig sabihin nito ay nagpapagamit na sila dito.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Bruce Rivera
Impeachment case vs. VP tuloy
Hindi nagpatinag ang mga sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang bantang pagsasampa ng impeachment laban kay Vice President Leni Robredo.
Ito ay kahit mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabing tigilan na ang Pangalawang Pangulo.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, iginagalang niya ang pahayag ng Pangulo subalit ang Kamara pa rin aniya ang may ekslusibong hurisdiksyon pagdating sa impeachment.
Tulad ni Alvarez, determinado rin grupong Impeach Leni Team, grupo ng mga abogado at professor na bumuo ng matibay na kaso laban kay Robredo.
Ayon kay Prof. Antonio Contreras, kabilang sa kanilang tinitignan sa ngayon ay ang posibleng pagkakamali sa SALN o Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ni Robredo
Bahagi ng pahayag ni Professor Antonio Contreras
Bagama’t aminadong mga supporters ng Pangulo, sinabi ni Atty. Bruce Rivera, miyembro ng grupo na itutuloy nila ang kasong impeachment laban sa Pangalawang Pangulo.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Bruce Rivera
By Rianne Briones