Target ng ‘Magnificent Seven’ sa Kamara na maihain sa ikalawang linggo ng Hunyo ang impeachment case laban sa walong mahistrado ng Korte Suprema na bumoto sa quo warranto petition laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Albay Congressman Edcel Lagman, sinisimulan na nila ang pangungumbinsi sa mga kasamahang kongresista para makakuha ng suporta sa impeachment case na nakabase sa culpable violation of the constitution.
Samantala, iginiit ni Caloocan City Congressman Edgar Erice na dapat sundan rin ng House Committee on Justice ang prosesong ginamit nila sa impeachment hearing kay Sereno at sa walong mahistrado ng Korte Suprema.
Binigyang diin ni Erice na tuloy ang paghahain nila ng impeachment case dahil minaliit ng walong (8) mahistrado ang Kongreso na may kapangyarihang mag-impeach ng Chief Justice at Judicial and Bar Council para magtalaga ng mahistrado at iba pang posisyon sa korte.
Ang walong mahistrado na bumoto para matanggal sa puwesto si Sereno sa pamamagitan ng quo warranto ay sina Associate Justices Teresita Leonardo de Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Samuel Martires, Noel Tijam, Andres Reyes Jr. at Alexander Gesmundo.
—-