Nakatakdang ihain ang kasong impeachment laban kay cCOMELEC o Commission on Elections Chairman Andres Bautista sa Kamara bukas, Agosto 23.
Pangungunahan ni dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras ang paghahain ng reklamo laban kay Bautista.
Tinukoy ng abogado ni Paras na si Atty. Manuelito Luna na kabilang ang isyu sa nangyaring “Comeleaks” sa kanilang tutukuyin bilang grounds of impeachment.
Aniya, base sa naging desisyon ng National Privacy Commission sa isyu ay accountable si Bautista sa nangyaring hacking ng COMELEC website na nagbunsod sa leakage ng voter’s database sa internet dahil umano sa pagkukulang nito.
Bukod pa ito sa nauna nang naging pasabog ng asawa ni Bautista na si Patricia na mayroon itong unexplained wealth na nagkakahalaga ng higit isang bilyong piso.
By Rianne Briones