Nasa tanggapan na ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang impeachment complaint na inihain laban kay Commission on Elections Chairman Andres Bautista.
Sinabi sa DWIZ ni dating Congressman Jacinto Paras na aasahang sa mga susunod na ilang araw ay mai-endorso na ang impeachment complaint sa House Committee on Justice.
Hindi aniya nito lubos maisip kung paano nakalap o kinita ni Bautista ang salaping nasa 30 accounts sa isang bangko na nagkakahalaga ng mahigit 200 Milyong Piso.
Sinabi ni Paras na parang hindi normal aniya kung iisipin lalo na at araw araw umanong nagdedeposito ito sa bangko , batay na rin sa pahayag ni Ginang Patricia Bautista.
Sinabi pa ni Paras na dapat ding magpaliwanag ang Anti-Money Laundering Commission at ang bangko kung bakit hindi agad ipinaalam ang maramihang deposito ni Bautista.
By: Aileen Taliping
SMW: RPE