Pormal nang inihain sa mababang kapulungan ng Kongreso ang impeachment complaint laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista.
Betrayal of public trust at culpable violation of the constitution ang mga grounds na inilagay nila Negros Oriental Rep. Jacinto Paras at Atty. Ferdinand Topacio na naging paglabag ng poll chief.
Nag-ugat ang nasabing reklamo dahil sa nabunyag na pagkakamal umano ni Bautista ng 2 Bilyong Pisong yaman na hindi idineklara sa kaniyang SALN o statement of Assets, Liabilities and Networth at paglalagay sa kahihiyan sa COMELEC.
Nais ding papanagutin ng mga petitioners si Bautista sa nangyaring dayaan umano sa nakalipas na halalang pampanguluhan nuong isang taon sanhi ng umano’y data breach o pagmamanipula sa central server ng eleksyon.
By: Jaymark Dagala / Jill Resontoc
SMW: RPE