Ipinagmalaki ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption na suportado ng mas maraming mambabatas ang impeachment complaint laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Sa isang press conference, sinabi ni Jacinto “jing” Paras, miyembro ng VACC legal team na hindi bababa sa 30 mambabatas ang pabor sa pag-impeach kay Morales.
Gayunman, tumanggi si Paras na pangalanan ang mga naturang mambabatas, alinsunod na rin sa kahilingan ng mga ito.
By: Meann Tanbio