Naisampa na sa Kamara de Representantes ang unang impeachment complaint laban sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na nagpasya silang ipa-impeach ang Pangulo, upang mapapanagot ito sa nangyayaring malawakang pagpatay sa gitna ng kampanya kontra iligal na droga, gayun din sa usapin hinggil sa mga hindi deklaradong yaman ng Pangulo.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Magdalo Representative Gary Alejano
Aminado si Alejano na posibleng mahirapan silang kumuha ng suporta, subalit tiwala siyang madadagdagan pa ang mga nagpahayag na ng suporta sa reklamo.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Magdalo Representative Gary Alejano
Samantala, nanindigan si Alejano na hindi maaaring ituring na bahagi ng sinasabing destabilization plot laban sa Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasampa nila ng impeachment complaint.
Sinabi ni Alejano na kanya nang nilinaw na wala silang planong gumawa ng anumang hakbang na maaaring makalabag sa batas, kaya naman nagpasya silang magsampa nalang ng impeachment complaint upang mapapanagot ang Pangulo.
Binigyang diin ni Alejano na ang kanilang hakbang ay bahagi lamang ng check and balance sa demokrasya.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Magdalo Representative Gary Alejano
By Katrina Valle | Report from Jill Resontoc (Patrol 7)