Hindi makikialam ang Malakanyang sa mga hakbang at desisyon ng mga kaalyadong Congressmen ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa impeachment complaint na isinampa laban sa kanya.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kahit kailan ay hindi nakialam o nakiusap ang pangulo sa upang para humingi ng pabor sa kanyang mga kaalyado.
Binibigyang-laya anya ng laya ang mga ito na kumilos batay sa kanilang kagustuhan at iginagalang ang independence ng Kamara.
Kaugnay naman sa tanong kung magtatagumpay ba ang impeachment complaint, inihayag ni Abella na ayaw nilang gumawa ng ispekulasyon at sa halip ay ipapaubaya sa mga Kongresista kung ano ang gagawin sa inihaing reklamo laban sa Pangulo.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping