Bahagi nang pagtakbo sa 2019 Senatorial Elections ni Magdalo Party List Representative Gary Alejano ang isinampa nitong impeachment complaint laban sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella ang dagdag na reklamong isinampa ni Alejano ay paraan nito para aniya’y i maximize ang kaniyang media exposure.
Iginiit ni Abella na idedepensa ng Pangulong Duterte ang interest ng Pilipinas sa pakikipag ugnayan nito sa ibang bansa.
By: Judith Larino