Nakatakdang talakayin ng House Committee on Justice ang impeachment complaint na inihain laban sa pitong mahistrado ng Korte Suprema na bumoto para mapatalsik si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Oriental Mindoro Representative Paulino Salvador Leachon, Chairman ng Committee on Justice, sa Setyembre 4 nakatakdang magpatawag ng hearing ang komite pagkatapos na i-refer ang kaso ng House plenary.
Aniya, handa silang ipatawag ang bagong talagang si Chief Justice Teresita Leonardo de Castro at mga associate justice kung kinakailangan.
Matatandaang inihirit ng Magnificient 7 ng Kamara na mapatalsik sa puwesto ang pitong mahistrado dahil umano sa culpable violation of the constitution at betrayal of public trust.
—-