Naihain na ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption kasama ang Vanguard of the Philippine Constitution, Inc. sa Kamara ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Kaugnay ito sa mga kuwesyunableng desisyon ni Sereno na labag sa mga alituntunin ng mga mahistrado ng High Tribunal bilang collegial body.
Batay sa 12 pahinang petisyong inihian ng VACC laban sa punong mahistrado, binigyang diin ng Founding Chairman nitong si Dante Jimenez na Culpable Violation of the Constitution at Betrayal of Public Trust ang mga kasong kanilang isinampa.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni VACC Chair Dante Jimenez
Kasunod nito, binanatan pa ni Jimenez si Sereno dahil sa ito aniya ang dahilan kaya’t mabagal ang judicial justice system sa bansa.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni VACC Chair Dante Jimenez
Samantala, hindi pa nakakakuha ng endorser mula sa Kongreso ang naturang impeachment complaint kung saan nakasaad sa batas na kinakailangang mayroon munang mag-endorso bago ito gumulong.