Nai-refer na sa House Committee on Justice ang impeachment complaint ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Committee Chairman Rey Umali, ang naturang reklamo ay agad nilang isasalang sa pagdinig sa susunod na linggo, upang malaman kung ito ay mayroong form and substance.
Una nang tiniyak ni Umali na mabilis na matatapos ang pagtalakay sa impeachment complaint laban sa Pangulong Duterte at ito ay target nilang matapos bago mag break ang sesyon sa Hunyo.
By Katrina Valle |With Report from Jill Resontoc