Itutuloy na ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption ang pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Ombudsman Conchita Carpio – Morales.
Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, tumatayong counsel ng grupo, kanilang isasampa ang reklamo sa Lunes, Mayo 8, 10:00 ng umaga.
Bagamat hindi idinitalye ang gagamiting grounds for impeachment, una nang sinabi ni Topacio na kanilang irereklamo si Morales dahil sa pagiging biased nito sa paghawak ng mga usapin katulad ng DAP o Disbursement Acceleration Program.
By Katrina Valle |With Report from Jill Resontoc