Minaliit lamang ng Malacañang ang isinampang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, wala namang ginagawang graft and corruption at high crimes ang Pangulo para mapatalsik ito sa puwesto.
Naniniwala si Abella na ang naturang impeachment complaint ay bahagi ng destabilization plot laban sa Pangulong Duterte.
Sa kabila nito, sinabi ni Abella na malaya ang mga kritiko ng Pangulo na gawin ang gusto nila habang ang Malacañang naman aniya ay nakatutok lang pagpapatakbo ng pamahalaan.
Samantala, kumpiyansa naman si House Speaker Pantaleon Alvarez na wala ring kahihinatnan ang isinampang impeachment complaint laban sa Pangulo na batid aniya ng mga nagsampa mismo ng naturang reklamo.
By Ralph Obina | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)