Kumbinsido ang dalawang mambabatas na hindi uusad ang inihaing impeachment complaint ni Magdalo Representative Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Malabo para kay Bacolod Representative Greg Gasataya na makakuha si Alejano ng sapat na bilang ng mambabatas na susuporta sa kanya sa Kamara.
Sa panig naman ni Southern Leyte Rep. Roger Mercado, na chairman din ng House Committee on Constitutional Amendments, sinabi nito na kulang sa “substance and form” ang reklamo ni Alejano.
Naniniwala si Mercado na pawang hearsay o sabi-sabi lang ang basehan ng mga nasabing akusasyon, at maituturing na isa lamang dokumento ang naturang reklamo.
By Meann Tanbio