Tuluyan ng ibinasura ng House Justice Committee ang impeachment complaint ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Inaprubahan “unanimously” ng komite o walang kumontra sa pangunguna ng chairman nitong si Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali ang committee report na nagpapatunay na hilaw at kulang ang mga ebidensya upang isulong ang impeachment.
Tumagal lamang ng dalawampung (20) minuto ang hearing ng kumite at napagkasunduang walang impeachment complaint na ihahain laban sa Pangulo ngayong taon.
Ang botohan ay ikinukunsiderang formality lalo’t bumoto na ang mga committee member laban sa impeachment noong Mayo 15.
By Drew Nacino | With Report from Jill Resontoc