Maituturing na propaganda lamang ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang pananaw ni Institute for Political and Electoral Reform Executive Director Ramon Casiple sa impeachment complaint ni Magdalo Partylist Rep. Gary alejano.
Ayon kay Casiple, wala namang nakagugulat sa impeachment complaint lalo’t isa ito sa mga pangunahing sangkap ng pulitika sa bansa at hindi paborable sa gitna ng popularidad ng Pangulo.
Naghain ng impeachment complaint si Alejano, isa sa mga kaalyado ni Senator Antonio Trillanes at inakusahan ang Pangulo ng Culpable Violation of the Constitution, Betrayal of Public Trust, Graft and Corruption, Bribery at iba pang high crimes.
Ipnahihiwatig anya ng Magdalo Party-list ang pagkalas sa Supermajority at tila nais impluwensyahan ang opinyon ng publiko bilang istratehiya na makumbinse ang iba.
By Drew Nacino