Tiniyak ni Senate Majority Leader Vicente ‘tito’ Sotto na hindi masasakripisyo ang kanilang priority bills sakaling maiakyat sa Senado ang impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Sotto, Chairman ng Rules Committee, maaaring dumami ang kanilang trabaho ngunit tuloy aniya ang pagpasa sa mga nakalinyang panukala kahit pa may nakahaing impeachment.
Aniya , posibleng umabot hanggang Sabado ang kanilang sesyon lalo na kapag matuloy ang dalawang impeachment.
Bukod kay CJ Sereno, may nakahain ring impeachment complaint laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista.
By: Arianne Palma
SMW: RPE