Pormal nang inilatag sa U.S. House of Representatives ang impeachment inquiry laban kay U.S. President Donald Trump.
Inihayag ito ni House Speaker Nancy Pelosi matapos ang pulong ng House Democrats.
Ayon kay Pelosi, paulit-ulit nang nilalabag ni Trump ang konstitusyon kaya’t dapat lamang na managot ito.
Matatandaan na ilang buwan na rin mula nang lumutang ang pagpapa-impeach kay Trump subalit hati ng opinyon hinggil dito ang mga democrats.