Sinang-ayunan ni Senate President Koko Pimentel ang pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa usapin ng impeachment laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Pimentel, magdudulot lamang ng pagkakawatak-watak at pag-aaksaya lamang ng panahon ang hakbang na ito laban sa Pangalawang Pangulo.
Giit ng Senate President, mas maraming mahahalagang usapin ang dapat pagtuunan ng pansin at inilalayo lamang ng impeachment issue kay Robredo ang kanilang atensyon.
Hindi rin dapat aniya ituring na basta-bastang usapin lamang ang impeachment lalo’t ito ang huling baraha laban sa mga tiwaling halal na opisyal ng pamahalaan.
By Jaymark Dagala