Nakatakdang magpatawag ng pulong ang House Committee on Justice sa Miyerkules, Oktubre 18 para talakayin ang impeachment laban kina COMELEC Chairman Andres Bautista at Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sinabi sa DWIZ ni House Justice Committee Chair at Mindoro Rep. Rey Umali, ito’y para pag-usapan na ang babalangkasing articles of impeachment para kay Bautista at kaniya ring pupulungin ang mga posibleng tumayong testigo naman laban kay Sereno.
Within the next couple of days mag mi-meeting ho kami, I think Wednesday ng Committee on Justice at ito na po yung paguusapan namin, unang-una yung articles of impeachment para kay Chairman Bautista and then kung sino yung mga prosecutors. Yung pangalawang agenda naming, yung next step namin is doon naman sa hearing naman doon sa Committee on Justice nung mga witnesses atsaka yung mga dokumentong isu-subpeona din namin para patibayin po yung kaso kay Chief Justice Sereno.”
Gayunman, sinabi ni Umali na hindi pa niya batid kung sinu-sino ang mga tatayong testigo laban kay Sereno dahil hinid pa ito inihaharap ng complainant na si Atty. Larry Gadon.
Wala pa naman pong pinapangalanan pero ang nagsasabi po niyan ay si Atty. Larry Gadon. Hindi parin po niya sinasabi sa amin kung sino sino ang mga yan pero within the next couple of days ay malalaman natin yan because we will have to issue either an invitation or a subpoena”
(SAPOL INTERVIEW)