Ginagamit lamang umano ng administrasyon ang usapin ng impeachment laban sa ilang matataas na opisyal ng gubyerno na konektado sa nakalipas na administrasyon.
Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, tila isang diversionary tactic lamang ng administrasyon ang impeachment upang ilihis ang usapin hinggil sa mga anomalya sa BOC o Bureau of Customs.
Tiwala si Villarin na ayaw ng Pangulo na matukoy ang katotohanan sa likod ng nasabing gusot lalo’t sangkot dito ang kaniyang panganay na anak na si Davao Vice Mayor Paolo Duterte at manugang nitong si Atty. Manases Carpio.
Dagdag pa ng mambabatas, kaduda-duda rin aniya ang matinding suporta na ibinibigay ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa impeachment complaint laban kina Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, COMELEC Chairman Andres Bautista at Ombudsman Conchita Carpio – Morales.
Magugunitang sina Sereno, Bautista at Morales ay pawang mga appointees ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
By: Jaymark Dagala
SMW: RPE