Ipinauubaya na ng Malakaniyang sa Kongreso ang pagtukoy kung may bigat ba ang inihaing reklamong impeachment laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, hindi pa niya nababasa ang nilalaman ng reklamo kaya’t hindi pa siya makapagbibigay ng komento hinggil dito.
Subalit sinabi ng kalihim na dapat nakabatay sa grounds na nakasaad sa saligang batas ang anumang impeachment complaint na isasapa lalo’t mabigat ang bintang na betrayal of public trust at kailangan pang patunayan iyon.
Ngunit, kung ang kasalanan aniya ng punong mahistrado ay pawang administratibo, sinabi ni Panelo na posibleng hindi aniya ito tumayo sa Kongreso.