Inaasahan na ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang paghahain ng impeachment complaint laban dito.
Ayon kay dating presidential legal counsel Salvador Panelo na layunin ng impeachment laban kay VP Sara na ma-disqualify ito sa pagtakbo sa 2028 elections.
Sakaling mapatalsik sa pwesto si VP Sara pang-habambuhay na itong hindi makakapagsilbi pa sa gobyerno.
Sa tingin din ni Panelo na tila pabalat bunga lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-aaksaya lamang ng ng oras ang pagsusulong ng impeachment case kay VP Sara para hindi ito pagsuspetsahan na siya talaga ang may gustong patalsikin ang Bise Presidente.
Nabatid na ilang grupo na ang naghain ng impeachment complaint laban sa Bise Presidente labilang na ang civil society group; dating mga opisyal ng gobyerno; religious personalities at sectoral representatives. – Sa panulat ni Jeraline Doinog