Pinabulaanan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang pahayag ng mga mambabatas mula sa Makabayan Bloc sa mababang kapulungan ng kongreso sa umano’y pakikialam ni Pangulong Marcos Jr., kaya naaantala ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Hindi aniya hinahadlangan ni Pangulong Marcos ang proseso ng impeachment complaints laban kay VP Sara.
Ipinahahayag lamang aniya ni Pangulong Marcos ang pananaw nito sa impeachment move subalit hindi dinidiktahan ang kongreso na ipagpaliban ang proseso ng reklamo.
Sinabi pa aniya ng Pangulo na may karapatan ang kongreso na mag-endorso ng impeachment complaints laban sa Bise Presidente.
Una nang sinabi ni PBBM na hindi ito pabor sa anumang balakin na i-impeach o patalsikin sa puwesto si VP Sara dahil maaapektuhan ang trabaho ng mga kongresista at senador. – Sa panulat ni Jeraline Doinog