Umamin si U.S. President Donald Trump sa ginawa nitong bribery o panunuhol sa Ukraine.
Ito ang isiniwalat ni U.S. House of Representatives Speaker Nancy Pelosi sa pagpapatuloy ng impeachment complaint laban kay Trump.
Ayon kay Pelosi, maituturing na panunuhol ang pakikipag-usap ni Trump kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky nuong July 25 kung saan inutusan nito ang huli na imbestigahan si Joe Biden kapalit ng military aide ng Estados Unidos para sa Ukraine.
Sa ilalim ng U.S. Constitution maituturing na isang impeachable offense ang treason, bribery at iba pang high crimes at misdemeanors.
Nakatakda namang tumayo bilang testigo sa susunod na pagdinig ang dating U.S. Ambassador to Ukraine at si White House Official Mark Sandy.