Tuloy pa rin ang impeachment trial laban kay COMELEC Chairman Andy Bautista kahit pa nagpahayag na ito ng intensyong magbitiw sa tungkulin.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Kabayan Party-list Representative Harry Roque, ang isa sa pangunahing endorser ng impeachment complaint laban kay Bautista, na hindi totoong resignation ang inihain ng COMELEC Chairman.
Paliwanag ni Roque, hindi naka-address sa tamang tao ang inihaing letter of resignation ni Bautista, hindi nakalagay na “irrevocable” at epektibo pa sa Disyembre kaya posibleng magbago pa muli ito ng isip.
Dagdag ni Roque, sakaling ituloy at agad na ipatupad ni Bautista ang kanyang resignation ay agad na ring matatapos ang impeachment trial dahil ang parusa lamang nito ay pagkakatanggal sa puwesto.
“Well tapatin natin eh parang nanloloko itong si Andy Bautista na kapag siya ay pinaniwalaan na magre-resign sa Disyembre ay may posibilidad na magbago siya ng isip, dalawang beses na siyang nagbago ng isip, nung una hindi siya sigurado kung ano ang gagawin, pangalawa, ang sabi niya hindi na ako magre-resign kasi na-dismiss na nga yung reklamo sa kanya sa Committee on Justice tapos biglang magre-resign na naman, obvious na yung pangatlong desisyon niya ay para lamang maiwasan ang impeachment.” Pahayag ni Roque
(Ratsada Balita Interview)