Walang sapat na panahon para matalakay ang isinusulong na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, malabo pa sa ngayon na matalakay ang nasabing usapin.
Hindi rin aniya mapapabilis ng kongreso ang mga paglilitis, dahil inaasahan nila ang malalaking dokumento na maaaring iharap sa mga pagdinig ng impeachment.
Naniniwala rin ang senador na walang idudulot na mabuti ang anumang uri ng impeachment complaint.