Umaasa ang Kamara na mas mapapadali na ang proseso ng impeachment trial laban kay vice President Sara Duterte.
Kasunod ito ng ipinalabas na direktiba ni Senate President Francis Chiz Escudero, na bumuo na ng administrative support bilang paghahanda sa paglilitis.
Ayon kay House Deputy Majority Leader at Ako-Bicol Partylist Rep. Jil Bongalon, posibleng mapaaga ang pagko-convene ng Senado bilang impeachment court.
Indikasyon aniya ito na nakikita ng Senado ang pangangailangan na masimulan na ang impeachment trial sa ilalim ng saligang batas.
Sa kabila nito, binigyang diin ni Cong. Bongalon, ang kahandaan ng House Prosecution Panel na idepensa ang napagtibay na impeachment complaint mula sa mga reklamo ng ibat-ibang grupo laban sa Bise Presidente.