Posibleng abutin pa ng limang (5) buwan bago tuluyang iakyat ng Kamara sa Senado ang reklamong impeachment laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ay ayon kay House Justice Committee Chairman at Mindoro Representative Reynaldo Umali ay dahil sa dumaraming bilang ng mga testigong kanilang ipatatawag sa mga susunod na pagdinig na itinakda sa Enero 15.
Sakaling maisalang nila sa plenaryo ang committee report bago ang kanilang Holy Week break sa Marso, posible aniyang maismulan na ang impeachment trial sa Senado pagbalik ng sesyon sa Mayo.
Mula aniya sa dalawangpo’t pitong (27) alegasyon laban sa Punong Mahistrado, inamin ni Umali na lima o anim pa lamang dito ang kanilang natatalakay kaya’t marami pa rin aniya silang dapat habulin.
Matatandaang una nang humarap sa pagdinig ng komite sina Associate Justices Teresita Leonardo – De Castro, Francis Jardeleza at Noel Tijam.