(Ulat ni Jill Resontoc)
Ibinasura ng House Justice Committee ang impeachment complaint laban kay COMELEC o Commission on Elections Chairman Andres Bautista.
Sa botong 26-2 ay idineklarang insufficient in form ang reklamo laban kay Bautista.
Una rito ay nakitaan ng komite sa pangunguna ng Chairman nitong si Oriental Mindoro 2nd District Representative Rey Umali ng depekto ang reklamong inihain nina Ex-Congressman Jing Paras at Atty. Ferdinand Topacio.
Dalawampu’t pito ang kontra at tatlo lamang ang pabor sa inihaing mosyon ni Congressman Harry Roque na amyendahan ang depektibong form ng reklamo.
Samantala, nagpasalamat naman si COMELEC Chairman Andy Bautista dahil sa pagsunod umano ng House Justice Committee sa umiiral na rule of law.
Aniya ito ang unang hakbang para malinis ang kanyang pangalan laban sa mga alegasyong tagong yaman ng kanyang asawang si Tish Bautista.
—-