Target ng House Committee on Justice na maisalang sa botohan sa plenaryo ang articles of impeachment kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa ikatlong linggo ng Marso o bago sila mag-bakasyon sa March 21.
Ayon kay Congressman Reynaldo Umali, Chairman ng komite, sa March 7, pagbobotohan na nila sa komite kung may probable cause ang impeachment complaint ni Atty. Larry Gadon laban kay Sereno.
Nakatakda naman aniyang pagbotohan sa komite ang committee report at articles of impeachment sa ikalawang linggo ng Marso.
Sinabi ni Umali na posibleng umakyat sa Senado ang articles of impeachment pagkatapos na ng kanilang Holy Week break.
—-