Malabo nang umusad ang impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Kabayan Representative Harry Roque, ito ay matapos wala pang mambabatas na nagpahayag na kanyang ieendorso ang reklamo.
Maaari aniyang hindi na umusad ang reklamo dahil marami pang hinahabol na panukalang batas ang Kamara, kabilang na ang mga napagkasunduang priority bills ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
“Wala pa pong na-iinitiate ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni dahil wala pa pong miyembro ng Kamara ang nag-endorso, lumalabo na po ngayon kasi nakita na natin kung paano maaaksaya ang oras at resources ng Kamara samantalang nagmamadali tayo sa pagpasa ng mga batas, isa na nga diyan ang Universal Health Care.” Pahayag ni Roque
Possible ethics complaint vs. Alejano
Samantala, binigyang diin ni Kabayan Representative Harry Roque na hindi dapat minamaliit ang proseso ng impeachment.
Kasunod ito ng planong pagsasampa ng reklamo sa ethics committee laban kay Magdalo Representative Gary Alejano dahil sa kawalan niya ng personal na kaalaman sa mga akusasyong nakapaloob sa impeachment complaint kontra sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Roque na kanilang susuriin kung maaaring kasuhan ng perjury si Alejano at kung papaano ito mapapanagot.
“Pati ang mga alegasyon niya doon sa kanyang impeachment complaint ang hindi naman pala sa kanyang sariling personal knowledge, samantalang sinabi niya sa verification niya na meron siyang personal na knowledge, Hindi dapat minamaliit ang proseso ng impeachment dahil ito po’y napaka-importante, institutional mechanism para mapanagot ang pinakamatataas na mga opisyales ng bansa.” Ani Roque
Iginiit din ni Roque na dumaan sa wastong proseso ang impeachment complaint ni Alejano at nagkataon lamang na walang tumayo sa kanyang mga ipiniresentang ebidensya.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Congress Harry Roque