Inamin ni House Secretary General Reginald Velasco na hindi pa rin umuusad ang mga inihaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Secretary General Velasco, anim na kongresista pa lamang na nag-endorso sa tatlong impeachment cases laban kay VP Sara ang nagpahayag ng kanilang buong suporta para rito.
Maliban dito, hindi rin aniya matiyak kung matutuloy pa ang pagsampa ng ika-apat na impeachment complaint laban sa Bise Presidente.
Kinakailangan aniya ng 154 na boto mula sa 308 house members upang makuha ang majority votes sa plenaryo habang 16 mula sa 30 boto naman para sa mga miyembro ng Committee on Justice.
Dagdag pa ni Sec. Gen. Velasco, nanlalamig ang ilang mambabatas sa pagsuporta sa impeachment dahil sa nalalapit na pagtatapos ng sesyon at paparating na campaign period.