Patung-patong na problema ang kinakaharap ni Vice President Sara Duterte matapos itong alisin ni pangulong marcos bilang miyembro ng National Security Council, kamakailan.
Habang maaari namang maharap pa ito sa ikaapat na panibagong impeachment complaint sa Kongreso.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, ilang miyembro na ng mayorya sa kongreso ang nagpahiwatig na maghahain ng ikaapat na impeachment complaint laban sa Bise-Presidente.
Aniya, ang gusto ng ilang mambabatas ay umusad na ang mga nakahaing impeachment complaint ngunit mismong si Pangulong Ferdinand Marcos jr. Ang tutol dito.
Hindi naman pinaglanan ni Velasco ang mga nasabing mambabatas na planong maghain ng isa pang impeachment complaint laban kay VP Sara.
Nag-ugat ang mga reklamo laban sa Pangalawang Pangulo dahil sa hindi nito maipaliwanag kung saan ginastos ang 125 million pesos na confidential funds noong 2023. – Sa panulat ni Jeraline Doinog