Makatatanggap na ng implant contraceptives ang mga babaeng miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.
Inanunsyo ito ng PhilHealth sa isang circular kung saan, sinasabing naglaan sila ng P3,000 para sa mga babaeng miyembro na nais magpalagay ng subdermal contraceptive implant package.
Maaari anilang makuha ito ng mga babaeng miyembro sa mga accredited health facilities bilang outpatient o inpatient service gayundin sa mga non-hospital factilities.
Gayunman, sinasabing isang beses tuwing dalawang taon lamang ito uubrang ma-avail ng mga babaeng miyembro.
By Jaymark Dagala