Posibleng ipatupad sa buong bansa ang alert level system, na umiiral sa Metro Manila bilang pilot area, simula sa Oktubre 1.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, nakasalalay na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon.
Sakali anyang aprubahan ng Pangulo, kailangang makasabay ang mga Local Government Unit (LGU) sa sistema kabilang ang mahigpit na pagpapatupad ng kani-kanilang ordinansa.
Dapat i-reactivate ng mga LGU maging ang NCRPO ang kanilang Task Force Disiplina, Barangay Disiplina Brigades, Force Multipliers at Police Marshalls upang mapigilan ang mga aktibidad na bahagi ng 3C strategy o Closed, Crowded at Close Contact.
Hinimok din ng kalihim ang lahat ng Cabeza De Barangay at Hepe ng Pulisya na mahigpit na i-monitor ang lahat ng aktibidad sa kanilang lugar upang matiyak na ang patalima sa bagong guidelines.
Kakaibat ng alert level system ang pagpapatupad ng granular lockdowns sa mga lugar na tinukoy ng mga l.g.u. bilang “Critical Zones.” —sa panulat ni Drew Nacino