Walang iniulat na “confusion” o kalituhan sa implementasyon ng ADDA o Anti-Distracted Driving Act.
Ayon kay Land Transportation Office o LTO Chief Edgar Galvante, taliwas ito sa nangyari noong Mayo na naging dahilan upang suspendihin ang pagpapatupad nito.
Paliwanag ni Galvante, matapos i-review ang IRR o Implementing Rules and Regulations, mas malinaw na ito ngayon sa panig ng mga motorista at law enforcers.
Pangunahing ipinagbabawal sa ilalim ng ADDA ang paggamit ng anumang uri ng mobile communications o electronic entertainment device habang lulan ng sasakyan o kahit pa pula ang traffic light o kaya’y nasa intersection ang motorista.
Papatawan ng limang libong piso (P5,000) ang mahuhuling motorista para sa unang paglabag, sampung libong piso (P10,000) sa ikalawa at labing-limang libong piso (P15,000) sa ikatlong paglabag na may kaakibat na tatlong buwang suspensyon ng driver’s license.
Sakaling umabot na sa ika-apat na paglabag, maaaring makansela ang lisensya ng driver at papatawan ito ng P20,000 pesos na multa.
By Jelbert Perdez
Implementasyon ng Anti-Distracted Driving Act naging malinaw was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882