Ipatutupad na ngayong araw ng Pamahalaang Lokal ng Valenzuela City ang implementasyon sa linya ng mga bisikleta mula Malanday hanggang Marulas sa bahagi ng Mac Arthur Highway kasabay ng pagpapatupad ng Alert Level 3 sa Metro Manila.
Base sa City Ordinance No. 269, sa unang paglabag ay pagsasabihan lamang ang mga violators habang pagmumultahin naman ng P200 hanggang P500 sa second offense.
Ayon sa Valenzuela City Government, ang mahuhuling bikers ay hihingan ng identification na inisyu ng gobyerno, gaya ng police clearance at voters ID habang school ID naman para sa mga minors.
Ang mga violators na walang maipapakitang id ay dadalhin sa City External Services Office ang kanilang bisikleta para i-impound.
Samantala, may parusa din ang ibang motorista partikular na ang 4-wheels na babaybay o mag-ookupa sa bike lane at pagmumultahin din ang mga ito sa pamamagitan ng no contact apprehension policy.
Layunin ng Valenzuela City LGUs na mabigyang proteksyon ang mga bikers at electric scooter sa mga aksidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero