Kulang sa preparasyon.”
Ito ang inihayag ni Samar First District Rep. Edgar Sarmiento, chairman of the house committee on transportation sa nangyayaring aberya sa full implementation ng cashless transaction sa mga expressway.
Ayon kay Sarmiento, humihingi siya noon ng guidelines, polisiya at timeline para sa gagawing full cashless transaction at nakita niyang kulang talaga ang mga ito sa paghahanda sa nais nilang mangyari.
Sinabi pa ni Sarmiento na noong nagkaroon ng committee hearing kaugnay sa nasabing usapin, bigo pa rin umano siyang makakuha ng opisyal na sagot ukol sa kaniyang mga hinihinging rekisito.
Una rito, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na maaaring maantala pa ang pagpapatupad ng cashless payment upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.